Pages

Thursday, September 11, 2014

How To Find The RIGHT Prospects And Partners?

Paano Ba Makakahanap Ng Mga Prospects At Partners?

How To Find The RIGHT Prospects And Partners?


A boy asked his mom... "How will I be able to find the right woman for me?" The mom answered, "Don't worry about finding the right woman, concentrate on becoming the right man"

Nung isang araw may natanggap akong email mula sa isa kong kaibigan na networker din. Sabi n'ya medyo nahihirapan daw s'ya sa business na ginagawa n'ya. Nahihirapan s'yang makahanap ng mga tamang tao para sa kanyang negosyo. Eto yung sabi n'ya sa'kin… 
“finding the right person is been hard for me puro maling tao ang nakaka usap ko”
Kahapon naman may nabasa din akong isang facebook post. Ang sabi sa post...  hanggang ngayon daw ay hindi pa rin s'ya nagkakaron ng commission at hindi pa rin daw s'ya kumikita sa kanyan business.
Looking for business partners is just like looking for a partner in life. (Right woman and right man)

"Don't worry about finding the right partners, FOCUS FIRST on becoming THE right partner/sponsor".
You need to become the right person first before you can find the right partners. Ibig sabihin ng Right Person dito sa business na ginagawa natin, ay yung meron kang tamang Mindset at meron kang mga Skills na nalalaman para magawa mo ang business mo ng tama.

If there is lack of abundance in you (wrong mindset). Ang mga mahahanap at makakausap mo or maa-attract mo ay yung mga wala ding abundance sa buhay, yung mga tipo na bukang bibig ay WALA... Wala akong time, wala akong pera, wala akong interest, wala akong  etc.

Kapag naman ikaw mismo ay may negativity sa sarili mo (aware ka man or hindi), guess what? Mga negative din ang maa-attract,  mahahanap at mga makakausap mo? Yung mga tipo ng tao na ang bukambibig ay... "pyramiding yan", "parang aman yan", "scam yan", "hindi totoo yan", etc...
Kung wala ka pang skills... Well hindi na kaylangang i-explain ito. SImple lang hindi mo rin magagawa ng tama ang business mo kasi nga hindi mo alam kung Paano.

Work on your self first and Become The Right person! Develop mo yung tamang mindset na kaylangan para maging successful. Mag-acquire ka ng mga importanteng skills na kakaylanganin mo para magkaron ng resulta sa business mo. Pwede kang magsimula from these 3 Training Video

** Marami ang mga pumapasok sa ganitong klase ng industry ang hanggang ngayon ay umaasa na makaka hanap sila ng alas na magiging susi sa success nila. Nangangarap at nagaasam sila na makakuha ng mga halimaw na downlines na magpapayaman sa kanila.

Pwede kang mangarap at mag antay na matatagpuan mo yung alas na hinahanap mo balang araw, or pwedeng mag-desisyon ka ngayong araw na ‘to na IKAW mismo ang ALAS na magpapayaman sa sarili mo.

Kasalanan Mo Bang Mamatay Na Mahirap?

Kasalanan Mo Bang Mamatay Na Mahirap?

Kasalanan Bang Mamatay Na Mahirap?

May nakita ka na bang matandang puti na lahat ang buhok na nagtitinda sa mga overpass? Matandang tila wala ng lakas sa kapayatan na naglalako ng sampaguita sa mga simbahan o kalsada? matandang nakasalampak sa lupa, baluktot ang likod na may katabing lata? Sila yung mga taong madalas nating nakikita sa mga lansangan.
Anong ang naramdaman mo?
 Nakaramdam ka ba ng awa at kirot sa iyong puso?
Ano ang ginawa mo?
bumili ka ba ng itinitinda nila o nagbigay ka ba ng limos?
Kung “Oo” ang sagot mo, marahil ay isa kang maka-lolo o maka-lola. O dumadaloy pa rin sa dugo mo ang pagiging isang tunay na Pilipinong may paggalang sa nakatatanda at pakiki-pagkapwa.
Sabi ng nanay ko noon, huwag na huwag daw naming kalimutang magbigay ng tulong sa tuwing makakakita ng ganun. Mas mabuti na kami ang nagbibigay kaysa binibigyan. Gayundin ay ang pagpapa-alalang pangalagaan ang kung anong meron kami para sa hinaharap upang hindi matulad sa SINAPIT nila.
Noong ako’y nag-aaral pa, naging kakwentuhan namin ang isang professor namin at napag-usapan ang tungkol sa isang Matandang Pulubi. Ang ilan sa amin ay nagbigay, at naitanong namin kung dapat nga ba silang Kaawaan?
Ang sagot ng professor, ”HINDI DAPAT”. Of course natahimik kami lahat sa sinabi niyang yun, then nagsimulang bumagsak isa-isa ang mga mukha namin at nagbulungan. Lahat ay may violent reaction. Hindi namin inaasahan na manggagaling ang mga salitang iyong sa isang matalinong professor at alam naming mabuti siya, at tinitingala ng lahat ng estudyante at guro.
Ngunit bago pa man mag-init ang mga ulo namin sa narinig, nagsimula siyang magpaliwanag.
“Maaaring kaawaan sila sa dahil sila ay matanda na pero hindi sila dapat kawaan sa kanilang sitwasyon. Dapat kaya na nila ang sarili nila at dapat ay napaghandaan na nila ito noon pa lang mga malalakas pa sila. Bakit ko sinabi ito? Binigay na sa kanila ng Diyos ang lahat ng pagkakataon at opportunidad sa buhay para pangalagaan, pagyamanin at paghandaan kung sakaling dumating ang ganitong sitwasyon. Nabuhay sila ng ilang DEKADA nang hindi man lang naayos o napaghandaan ang buhay na sasapitin nila.”
At mas lalong natahimik kaming lahat. May punto ba si Prof ?…
Hindi mo kasalanan kung ipinanganak kang mahirap, pero kasalanan mo na kung mamatay ka pa ring mahirap. Ibig sabihin, ilang taon kang nabuhay, pero itanong mo sa iyong sarili… Ano ang iyong ginawa?. Marami naman tayong napapanood, nababasa at naririnig na kwento ng pakikibaka ng mga taong nagmula sa kahirapan pero pinipilit makaahon at makarating sa rurok na kanilang kinalalagyan ngayon. Nasa iyong mga kamay ang lahat ng pagkakataon, gagamitin mo na lang ito upang kunin ang chance mo.

Kung babalikan ang nakaraan, marahil sila yung mga hindi nag-aral ng mabuti sa eskuwela. O di kaya’y dating mga may sinabi sa buhay na ibinuhos ang lahat ng pera sa karangyaan sa mga walang kabuluhang bagay. O maaari din namang naging mahina lamang sila sa mga pinagdaanang pagsubok ng buhay kaya’t tuluyang nasadlak sa putikan. O pwede rin namang maraming nagdaang opportunidad pero hindi nila ito pinansin. O maaaring sumabay na lang sila sa agos ng kanilang buhay, kawalan ng pag-asang makaahon.
Pwede rin biktima lang sila ng pagkakataon, isinilang ng mga magulang na walang sariling tahanan at maski mga sarili ay hindi kayang pakainin. Mga taong namamalimos rin at naiiraos lamang ang pang araw-araw na pamumuhay mula sa kaunting baryang tulong ng mga taong nakakasalubong nila sa daan.
Nakakaawa? Siguro nga. Gayunman, nararapat lamang na tulungan natin sila sa mga huling sandali ng kanilang buhay at gamitin ang mga kwento nila bilang paalala na hindi natin dapat aksayahin ang mga pagkakataon na ibinibigay sa atin ng kapalaran.
Hindi ako madalas magbasa ng bibliya, pero may natandaan akong sulat sa bibliya “Sapagka’t ang bawa’t mayroon ay bibigyan, at siya’y magkakaroon ng sagana: nguni’t ang wala, pati pa nang nasa kaniya ay aalisin sa kaniya”. Ibig sabihin nito ay hindi rin gusto ng diyos ang mga taong tamad. Ang gusto niya na ikaw ay maging sagana.
Hind mahalaga kung pinanganak kang mahirap o mayaman. Life is an Equal chance of opportunity, ang mahalaga sa buhay ay kung paano ka susulong at kung paano ka tumatanggap ng mga oportunidad na damadaan upang paghandaan ang iyong hinaharap.

Isang bagay ang gusto kong suriin mo saiyong sarili


bakit hindi nagbabago ang buhay mo kahit doble kayod ka naman sa trabaho. Ano ang mali at ano ang kailangan idagdag?
Ang totoo nyan, Una! walang mali sa iyong ginagawa, kailangan mo lang baguhin ang iyong daily routine dahil kung alam mong walang mangyayari sa araw-araw mong ginagawa, yan ang kailangan mong pag-isipan mabuti. Pangalawa! you have to adopt how to think like a RICH People. Kaya magkakaiba ang kalagayan ng buhay ng tao is how the way we think in life.
Paano nga ba yumaman ang mga RICH People? Wealth is a product of man’s capacity of thinking. Anumang kalagayan ng buhay natin ngayon ay resulta ng kung paano tayo mag-isip.


This 7 series article “The Rich Mind” will change your life. Kailangan mabasa ito kung ikaw yung taong determinadong umasenso ,

The You Inc. Sell Your Self First

The You Inc. Sell Your Self First

You Inc. Ay isang concept na pinsikat ni Jonathan Budd. Isa sya sa mga pinaka-successful na internet marketers sa buong mundo. Last time na nag-declare s'ya ng total income generated n'ya sa kanyang business ay 14 miillion dollars

Ang pinaka-simpleng explanation ng You Inc concept ay... Naka-sentro ang business mo sa Iyo.

Marami sa mga networkers ay dinedepende ang kanilang success sa company na kinabibilangan nila. Ang nasa isip nila ang dahilan kung bakit

sila magiging successful ay dahil napakaganda ng company nila, dahil sila ang may pinaka magandang
complan nila, dahil pioniring ang company nila, dahil sa ang number 1 company etc.


Oo mahalaga ang mga bagay nayun pero ganito kasi yan. Kailangan mo maintindihan na higit sa lahat, ang pinaka importanteng aspeto ng iyong negosyo ay ikaw. Oo ikaw mismo at wala ng iba.

Ibig sabihin Ang dahilan kung bakit ka magiging successful sa business mo ay dahil sa'yo sa mga desisyon
na gagawin mo, at sa mga aksyon na gagawin mo. The company and products are irrelevant.

Lahat ng top earners at successful network marketers ay naging sucessful dahil sa value na meron sila, dahil sa mga desisyon na ginawa nila at dahil sa mga aksyon na ginawa nila. at sila ay magiging successful kahit ano pang company ang kinabibilangan nila at products na inoofer nila.


Gusto kitang mag isip na katulad ng isang tunay na entrepreneur hindi lang bilang isang distributor. Most of the companies only trains network marketers how to become a good distributors or representative. they didn't us how to become entrepreneur and Marketers.

At isa pang bagay na tandaan mo People join People kapag may nag join sayo hindi naman sila sumali sa company mo. Sumali sila sayo nagtiwala sila sa recommendation  at pag alok mo. What you need is to sell your self. Your value and your leadership.

Eto yung isang dahilan kung bakit mo gugustuhin na i-promote muna ang iyong sarili. Sabihin natin na ang tanging prinopromote mo ay ang itong company. Wala ka ibang bukang bibig kundi kung gaano kaganda
ang company at products mo. Tapos kinabukasan sa hindi inaasahan na pag kakataon ay biglang nagkaroon  problema at biglang nagsara ang company mo. (wag naman sana example lang naman ito pero infact, very normal lang sa atin industry ang mga nag sasarang MLM company come and go all the time at mabibilang mo lang sa daliri ang talagang tumatagal. Malamang alam mo narin na ito kung sakaling matagal kana sa Industry na ito.


So, kunwari nagsara na nga. ano na ang mangyayari sayo? Ang mga downlines mo ay nakatingin sa company na prinopromote mo. Remember sumali sila sayo sayo because you sold them the idea that you have the best products and company? Sasabihin mo ba sa kanila na lipat nalang tayo dito sa kabila best products din naman sila.


See, the point is Kapag ang mga tao ay sumali ng dahil sa value at leadership mo, you are almost guaranteed to always have downlines kahit anong circumtances pa ang mangyari at kahit magsara pa ang company mo
. This is why MLM leaders and superstars can move from one company to another comapany with there whole team Intact. Smart networkers Don't promote their company, They promote themselves.


Your business is not your MLM comapny. Your Business is the value you have and the relationship you've established to your downlines. Teams and your Followers.


Know the secrect of all the MLM Superstar Click Here

Monday, September 8, 2014

marketing plan in aim global


MLM Tips : Avoid Calling Your Prospects "Sir"/"Maam"


Bakit hindi mo dapat tawagan ng "sir"/"ma'am" ang prospect mo?


Good day everyone !
Dito sa pinakabagong blogpost na ginawa ko , i will teach you kung bakit mo dapat iwasan
na tawaging sir o ma'am ang prospect na kinakausap mo.


TIP: mas maganda kung sa pangalan niya nalang mo siya tawagin , mas effective ito
for communicating to your prospect.


Ito yung ilan sa mga reasons kung bakit dapat mong iwasang tawagin na sir o ma'am
ang prospect mo.

Reason #1:

Kapag ginawa mo ito, ang magiging tingin sa iyo ng prospect mo ay "unprofessional".
Remember, ang mlm business na pinasok mo ay big time, hindi small time, kaya kapag
naging unprofessional ang tingin sa'yo ng prospect mo, magiging mababa ang value mo
sa paningin nila


Reason #2: 

Maaring magbato ng maraming questions ang prospect mo and even objections,
dahil nakita nila na mababa ang posture mo, POSTURE means , yung first impression ng
prospect mo sa iyo

Reason# 3: 

Kapag nagbato na sila ng maraming questions, sila ang kokontrol sa iyo sa inyong
pag uusap, at ang kalalabasan nito parang nagiging ALILA ka na ng prospect mo sa simula pa
lang.

What if kung mapajoin mo na siya (pero malabo) , hindi ka niya susundin dahil hindi ka niya
nakita as a LEADER na may kakayahang mag giude sa kanya. 

I hope marami kang natutunan sa pinaka bago kong blogpost.